Paglilipat sa PhilHealth mula DOH papuntang Office of the President, suportado ng House Ways and Means Committee
Sang-ayon si House Ways and Means Committee Chairman Congressman Joey Salceda sa mungkahi na ilipat ang Philippine Health Insurance Corporation ( Philhealth ) sa Office of the President ( OP ) mula sa Department of Health ( DOH ).
Mismong si Health Secretary Ted Herbosa ang nagpanukala na isailalim na sa tanggapan ng Pangulo ang PhilHealth.
Sinabi ni Salceda na makatutulong ito para mas mapahusay ang financial governance at investment management ng PhilHealth na isang social insurance agency at hindi isang health facility.
Ayon kay Salceda, sa pamamahala sa PhilHealth ay maaring konsultahin ng Pangulo ang Secretary of Finance.
Naniniwala si Salceda na sa bagong set-up ay matitimbang at matutugunang mabuti ng Pangulo ang pananalapai at kapakanag pangkalusugan ng mga miyembro ng PhilHealth.
Tiniyak din ni Saceda ang suporta ng Kongreso para maipatupad ang nararapat na mga reporma sa PhilHealth.
Vic Somintac