Pagluluwag ng Restrictions, pangunahing dahilan ng mabilis na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa – Dr. Herbosa
Ang pagluluwag ng restrictions sa bansa ay ang pangunahing dahilan ng pagsirit ng kaso ng Covid-19.
Ito ang naging pagtaya ni National Task Force against Covid-19 Special Adviser at dating Health secretary Ted Herbosa.
Ayon kay Herbosa, dumami kasi ang mga taong gumagalaw at nakalalabas na sa ngayon.
Nakaaalarma aniya ito lalu na’t may mga kaso na ng South African at United Kingdom variant sa bansa.
Magugunitang nitong nakalipas na tatlong araw ay pumalo na sa mahigit 3,000 ang mga naitatalang bagong mga kaso ng Covid-19 infections.
Kailangan aniyang paalalahanan ang publiko na manatiling sumusunod sa mga minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at shield at pag-iwas sa mga matataong lugar.
Dr. Ted Herbosa:
“Mga ilang linggo na tong unti-unting pagtaas eh. From 1,500 to 1,700 kaya nakakaalarma rin. So pwedeng meron tayong variant na mas mabilis pang kumalat so nagkakahawaan. So ibalik talaga yung pag-iingat ng mga tao”.