Pagnenegosyo, paano nga ba dapat na paghandaan?
Karamihan sa ating pinoy ay nangangarap na magkaroon ng munting negosyo, mahirap naman talagaang mamasukan, lalo na kapag hindi permanente ang trabaho.
Sa pagpasok natin sa pagnenegosyo, ano ba ang dapat nating malaman o mapaghandaan?
Sa panayam ng programang Shoppers’ Talk (aired every Saturday @9am, Radyo Agila) kay Ms. Yollie Perez, manufacturer ng Bagoong Alamang at Sinantulan.
Ibinahagi niya na kahit anong negosyo ang gustong pasukin, marapat na ihandang mabuti ang sarili dahil sa iba-ibang mga hamon o problema na maaaring makasagupa o kaharapin.
Tulad sa kaniyang negosyo, ang alamang na main ingredient, depende sa pinaghanguan at may season din ang paghango, may sitwasyon na kung saan ilang beses sinuri ang produkto kung nasa tamang kalidad, bago maging finished product.
Hindi kasi dapat na nag-iiba ang lasa.
Nais niyang ipaunawa na mahalaga na maging metikuloso sa pagpoproseso sa paggawa ng produkto .
Idinagdag pa ni Tita Yollie na mahalaga na maging preparado sa ilang mga bagay gaya ng pagkakaroon ng alternatibong supplier.
May pagkakataon na hindi kayang ibigay ang demand ng isang buyer.
Dapat may solusyon.
Samantala, sa negosyo importante kaya kapag kumita ang negosyo mahalaga pasahurin ang sarili o may suweldo ka rin.
At ang sobra ay ibalik bilang investment sa negosyo o stock bilang puhunan.
Kasi, sa mga pagkakataon nasiraan ka ng produkto, may nakahanda.
Paano na kapag walang nakatabing pera?
Dito pumapasok ang utang, kapag naman umutang dapat maging responsible, be careful sa mga interest at due dates na mabayaran para hindi tayo masira, dahil ang negosyo ay hindi stable.
Ginagawa rin ito ng mayayaman kahit may pera ay nangungutang hindi dahil sa walang pera but they want to keep their credibility, sa mga panahon lalo na kung gusto nilang mag-expand ng business.
Panghuli, mahalaga napaliligiran tayo ng tamang tao, at magkaroon ng tamang relasyon sa kanila, mga nagtiwala sa atin at iyon ang dapat na pakaingatan.