Pagpapababa ng buwis mas makatutulong sa mga manggagawa sa halip na kakarampot na wage hike – ayon sa mga Senador
Hindi umano sapat ang inaprubahang 25 pesos na umento sa sahod para sa mga mangagawa para makasabay sa tumataas na inflation lalo na sa Metro Manila.
Kapwa sinabi nina Senate President Vicente Sotto at Senador Joel Villanueva, Chairman ng Senate Committee on Labor na kulang ang ibinigay na wage increase lalu’t patuloy ang pagmahal ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Nangangamba si Villanueva na patuloy pang magmamahal ang presyo ng bilihin kapag ipinatupad ang dagdag na excise tax sa Petroleum products.
Sen. Villanueva:
“That’s inadequate, the most sensible solution for this is to lower the VAT rate from 12 percent to 10 percent. this will have a better effect than a wage increase of P 25”.
Nais ni Villaneuva na sa halip na magbigay ng umento, dapat ibaba ang kinokolektang vat sa 10 percent mula sa kasalukuyang 12 percent.
Ulat ni Meanne Corvera