Pagpapakawala ng North Korea ng artillery sa buffer area, “foul” ayon sa Seoul
Pinuna ng South Korea ang panibagong “artillery barrage” ng North Korea sa mga katubigang sakop ng silangan at kanlurang baybayin ng South Korea, na ang target ay ang “buffer zone” na itinayo noong 2018 upang mabawasan ang tensiyon.
Kapansin-pansing pinalakas ng Pyongyang ang mga paglulunsad ng missile at pagsasanay militar nitong mga nakaraang linggo, habang sinasabi ng Seoul at Washington na malapit nang magsagawa ang pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un ng sinasabing magiging ika-pitong nuclear test nila.
Batay sa pahayag ng Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korea, halos 250 rounds ang pinakawalan nitong Martes na tinawag nilang “malinaw na paglabag” sa 2018 agreement.
Ayon sa pahayag ng JCS, “We strongly urge North Korea to immediately halt its actions. North Korea’s continued provocations are actions that undermine peace and stability of the Korean Peninsula and the international community.”
Sinabi naman ng Pyongyang nitong Miyerkoles, na ang artillery barrage ay tugon sa anila’y “war drill” ng mga kaaway laban sa North Korea.
Sinabi ng isang tagapagsalita para sa General Staff ng Korean People’s Army, “South Korea’s military fired dozens of shells of multiple rocket launchers in the forefront area… from 9:55 to 17:22 on Oct. 18. KPA units on the east and west fronts conducted a threatening, warning fire toward the east and west seas on the night of Oct. 18, as a powerful military countermeasure.”
Matatandaan na noong isang linggo ay nagpakawala rin ang North Korea ng artillery rounds sa military buffer zones.
© Agence France-Presse