Pagpapalawak sa saklaw ng MTRCB pinag-aaralan na ng Senado
Nais ng mga Senador na palawakin pa ang saklaw ng kapangyarihan ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB.
Ito’y para masakop ng kanilang pagmomonitor at regulasyon ang mga online streaming platform.
Ayon kay Senador Grace Poe, kailangang matiyak na ang mga nilalaman ng mga online site ay angkop sa edad lalo na sa mga menor de edad.
Kailangan na rin aniyang obligahin ang mga streaming service na kumuha ng mga legislative franchise bago sila makapag- operate sa Pilipinas tulad ng mga cable at broadcast companies .
Sa ngayon ang tanging nagagawa lang raw ng MTRCB ay pakiusapan ang ilang mga online platform tulad ng Netflix para sa self regulation pero walang kontrol sa iba pang online video streaming .
Nababahala naman si Senador Robin Padilla na Chairman ng Senate Committee on Information and Mass Media dahil mas madali aniyang ma access ng mga bata ngayon ang mga online platform lalo’t ito ay libre .
Karamihan aniya sa mga lumalabas sa mga online ay mga bastos na kung mapapanood ng mga bata ay aakalaing tama.
Meanne Corvera