Pagpapaliban ng Barangay at SK Elections sa Mayo, isinusulong umano sa Kamara para ipursige ang Term-extension

Ibinunyag ni Senate minority leader Franklin Drilon ang umano’y plano
ng mga kaalyado ng Pangulo na ipagpaliban ang Barangay elections para
i-railroad ang Charter Change at pagdaraos ng plebesito para dito sa
October 2018.

Ayon kay Drilon, ipinupursige umano ngayon sa Kamara ang pagpapaliban
ng Baranggay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda ngayong
Mayo para mabigyan ng pagkakataon  ang super majority na maipasa ang
Chacha at maihabol ang probisyon ng term extension.

Sa kasalukuyan kasi aniya umaabot sa 80 kongresista ang nasa huling termino.

Kung hindi maipagpapaliban ang eleksyon sa Mayo, imposible na ring
maihabol ang Chacha at pagdaraos ng plebesito para dito.

Kinakalampag naman ni Drilon ang liderato ng Senado na huwag sumayaw sa Chacha.

Kung hindi kasi aaksyon ang Senado sa loob ng natitirang 12 session
days bago mag adjourn sa March 21, imposible nang maihabol ang Chacha.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *