Pagpapalit ng pangalan mula Benham Rise to Philippine Rise, suportado sa Kamara
Suportado sa Kamara ang plano ng Duterte administration na palitan ang pangalan ng Benham Rise ng Philippine Rise.
Ayon kay House Committee on National Defense Vice Chairman at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, ang hakbang ng pamahalaan ay napapanahon at talagang kinakailangan.
Aniya, alinsunod sa determinasyon ng commission on the limits of the continental shelf ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS, ang Benham Rise ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Kaya makatwiran na palitan ang tawag dito at para na rin maigiit ang sovereign rights ng Pilipinas sa underwater geographic feature.
Kinumpirma rin ni Biazon na maghahain siya ng isang resolusyon sa kapulungan bilang pagkatig sa renaming ng Benham Rise.
“Walang ibang mga bansa ang maaaring mag claim dito at nagkaroon na ng desisyon ang united nations na bahagi nga yan ng ating exclusive economic zone at meron tayong sovereign right , maraming hakabang ang pwede nating gawin para ipakita na tayo talaga ang may right dyan at isa lamang ito sa maaaring gawin ang pagtawag sa lugar na yan na Philippine Rise dahil yan ay kinikilalang bahagi ng exclusive zone ng Pilipinas”.