Pagpapanagot sa pagkamatay ng mga mangingisdang pinoy sa scarborough shoal suportado ng Kamara

Nakiisa na rin ang Kamara sa pagpapanagot sa responsable sa pagkamatay ng tatlong mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Kamara sa pamilya ng mga biktima.

Sinabi ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee na kailangang isulong ng gobyerno ang pagbibigay ng hustisya sa malagim na sinapit ng mga mangingisdang Pinoy na ang layunin lamang ay maghanap buhay para buhayin ang kanilang pamilya.

Batay sa inisyal ba imbestigasyon ng Philippine Coast Guard o PCG isang oil tanker ship ang sumagasa sa tatlong mangingisdang Pinoy na nakarehistro sa flag ng marshall islands.

Kaugnay nito nagpahayag si House Speaker Martin Romualdez na handang tulungan ng Kamara ang pamilya ng mga biktima sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial at legal assistance upang makamit ang hustisya.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *