Pagpaparehistro para sa National ID system, sisimulan na sa Setyembre – PSA

Sa buwan ng Setyembre ay pasisimulan ang pagpaparehistro para sa National ID system.

Sa panayam ng Radyo Agila kay Robert Paguia, tagapagsalita ng Philippine Statistics Authority (PSA),  sa ngayon ay isinasa-pinal na nila ang pagpo-proseso ng mga technical specifications ng sistema sa pagpaparehistro at pag-iisyu ng ID.

Ang national ID na magiging kasing-laki rin ng sss id at driver’s license ay nagtataglay ng demographic data at biometric information.

Yung demographic data ay yung usual na datos hinihingi po natin gaya ng pangalan, address, height pero ang mahalaga kasi dito ay ang Biometric information gaya ng fron saka eye resistant”.

Binigyang-diin pa ni Paguia na sakaling mang gayahin o pekehin ang physical features ng National ID ay matutuklasan pa rin nila ito dahil sa mga security features na nakapaloob sa id gaya ng quick response code at iba pang security code na pina-finalize na ng PSA.

Sa batas ay mayroong requirement doon na dapat yung ID natin ay may tinatawag na Quick Response code o QR code na dito may nakapaloob na few biometric information. Kaya nga kung magaya man yung ID kung binaril yung QR code ng mga decoder ay ibang information ang lalabas kaya hindi pwedeng gayahin ang mga impormasyong nakapaloob sa QR code ganundin ang fingerprint scanner”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *