Pagpaparehistro sa ilalim ng National ID System, sinimulan na ng gobyerno

psa1

Sinimulan na ng gobyerno ang pagpaparehistro sa lahat ng mga Filipino sa ilalim ng National Identification System.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng National Economic Development Authority, sinabi ni Secretary Karl Chua na bahay bahay ang nakikita nilang paraan para kunin ang datos ng mga pilipino sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority.

Hindi kasi maaaring isagawa ang mass registration dahil sa Covid Pandemic.

Malabo rin aniya ang pagkuha ng biometrics sa pangambang maging dahilan pa ito ng pagkalat ng virus.

Siyam na milyong Filipino ang target nilang maiparehistro sa nalalabing buwan  ngayong taon habang 45 milyong naman sa 2021.

Priority aniya nila ang may sampung milyong low income household para makapagbukas na rin sila ng kanilang mga bank accounts.

Ang NEDA ay humihingi ng 11. 171 billion budget para sa susunod na taon kasama na ang mga attached agencies nito.

Meanne Corvera

Please follow and like us: