Pagpapasara ng operasyon ng Rappler, binatikos ng mga Senador
Umani ng batikos sa mga senador ang desisyon ng securities and exchange commission na ipasara ang operasyon ng online news site na rapopler.
Ayon sa mga senador, bahagi ito ng harassment ng gobyerno sa kumpanya at malinaw na pag-atake sa press freedom.
Hinimok pa ni Senador Risa Hontiveros ang publiko na idepensa ang kalayaan sa pagsasalita lalo na ang press freedom.
Senador Risa Hontiveros:
“Ang pagpapasara sa kanila ay isang napakasamang hudyat sa lalong pagsakal sa freedom of the press at access ng mamamayan sa totong balita tunay na balita at makatotohanang pagbabalita, —- laban sa freedom of the press”.
Senador Franklin Drilon:
“That’s worrisome but let me read the resolution”.
Tutol rin si Senador Richard Gordon sa aksyon ng SEC dahil malinaw na pagsikil aniya ito sa freedom of the press na ginagarantyahan ng Saligang Batas.
Senador Richard Gordon:
“Hindi dapat pinapakielaman ang freedom of the press kahit maanghang ang sinasabi o hindi masyadong nireresearch importante sa atin mayroon freedom of the press un ang insurance ng ating bayan na malayang makakapagpahayag ang ating media…bata pa ako sinasabi ko na yan…so its important i think that the sec kung merong legal reason like hindi sila 100% meron dapat masiguro natin na dapat ipaliwanag nang maigi sa tao kung talagang totoo”.
Plano naman ni Senador Grace Poe, chairman ng senate committee on public information and mass media na paimbestigahan ang isyu.
Umaasa ang senador na ang desisyon ng s-e-c ay hindi pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag
Senador Grace Poe:
“Kailangan pag-aralan ano ba ang kanilang naging violation? Ano ba ang kanilang naging pagkukulang? Kung meron silang hindi nagawa na required sa lahat ng media outfits o kaya sa mga website na katulad nila, kailangan natin tingnan kung saan sila nagkamali. Basta lang, huwag ito ang paraan na mapatahimik ang sinumang grupo o organisasyon na maghayag”.
=== end ===
Ulat ni Meanne Corvera