Pagpapataw ng multa sa nuisance candidates, sinang-ayunan ng COMELEC
Sinang-ayunan ng Commission on Elections (COMELEC), na pagmultahin ng P100,000 ang sinumang mapatutunayang nuisance candidate.
Sinuportahan ni COMELEC Law Department Director Maria Norina Tangaro-Casingal, ang House Bill 9557 na nagmumungkahi ng mas mabigat na parusa laban sa nuisance candidates.
Ang House Bill 9557, ay inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa, noong Agosto.
Samantala, nilinaw ng Korte Suprema na ang pagtakbo para sa isang posisyon sa gobyerno ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan.
Please follow and like us: