Pagpapatibay sa panukalang Philippine Maritime Zone na nagtatakda ng exclusive sovereign rights mamadaliin na ng senado
Mamadaliin na ng senado ang pagpapatibay sa panukalang Philippine Maritime Zone na nagtatakda ng exclusive sovereign rights sa mga kagaratang nasasakop ng pilipinas
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kailangan nang aprubahan ang panukala matapos maglabas ng kanilang bagong mapa ang china na nagdedeklara ng kanilang mga nasasakop na teritoryo sa ilalim ng ten dashed line
Kahit magiging abala sa budget deliberation, isasabay aniya nila ang pagtalakay sa maritime zone bill na target pagtibayin bago matapos ang disyembre.
Nababahala si Zubiri dahil kahit ang India na kaalyado ng china isinama sa sakop ng kanilang teritoryo
“May kasabihan, misery loves company, dumami na ang miserable sa buong mundo, hindi lamang ang Pilipinas. Sinakop na nila ang india, merong border dispute din sila sa India at officially naglabas na rin po sila ng mapa at may kinain din silang lupa sa India.” pahayag ni senate President Zubiri
Ayon kay Zubiri, may inihain nang protesta ang India, Malaysia, Indonesia at Vietnam laban sa panibagong aksyon ng china
Sa pamamagitan aniya ng mga protestang ito mas lumalawak rin ang suporta sa stand ng pilipinas na kondenahin ang china dahil sa paglabag sa soberenya hindi lang ng pilipinas kundi ng mga bansa sa southeast asia.
Aprubado na sa kamara ang panukala pero hindi pa ito umuusad sa committee on foreign relations ng senado.
“That is a priority of the senate. we commit to you by the end of the year, before december we will deliberate it, during budget deliberations isasabay namin ito at ipapasa namin ang maritime zones act ni senator Tolentino and several senators who filed. we are going to pass it.” dagdag pa ni Zubiri
Bukod sa maritime zone, tiniyak ng mga senador na bubuhusan ng pondo ang modernisasyon ng sandatahang lakas ng bansa para sa posibelng depensa ng Pilipinas
Sinabi ni senador JV Ejercito na kailangang may gawing hakbang rin ang pilipinas laban sa pambu-bully ng china.
“We have to do something also open diplomatic more than hindered note verbale. We have to put up pushing this AFP modernization respectable force bully tayo no doubt di kaya china put up class minimum defense posture on the way there hangang because of the situation prioritize horizon to delayed na external missile sterner against super power medyo mangingilag sila.” pahayag pa ni senador JV Ejercito
Meanne Corvera