Pagpapatuloy ng voters registration, itinakda ng Comelec sa August 1 hanggang Sept 30, 2019
Ipagpapatuloy ng Comelec sa unang araw ng Agosto hanggang sa huling araw ng Setyembre ngayong taon ang voters registration para sa 2022 Presidential elections.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaring magparehistro ang mga botante kahit Sabado at Linggo, at maging tuwing holidays.
Ayon kay Jimenez, tinatayang dalawang milyong bagong botante ang inaasahang magpaparehistro sa nasabing panahon.
Nilinaw ng opisyal na hindi na kailangang magparehistro muli ang mga botante sa Sangguniang Kabataan kapag nag- disi-otso anyos na ang mga ito.
Ito ay dahil sa otomatiko anyang malilipat ang pangalan ng mga SK voters sa listahan ng mga regula na botante.
Ulat ni Moira Encina