Pagpapatupad ng Tsunami preparedness at Evacuation planning, muling ipinanawagan matapos ang lindol sa Indonesia

Posibleng mangyari rin sa Pilipinas ang naranasang malakas na lindol sa karatid na bansang Indonesia na sinundan pa ng tsunami.

 

Dahil dito, muling hinikayat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang Tsunami Preparedness at Evacuation Planning dahil ang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo at isla.

 

Ayon kay DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction – Climate Change Adaptation Director Renato Solidum, marami na silang nagawang guide ukol dito at kailangan na lamang ay ipatupad ito sa pangunguna ng Office of Civil defense.

 

Bukod dito, nagpapamudmod din ng mga preparedness materials at awaress ang Department of iNterior and Local Government (DILG) sa mga local government units at mga Barangay.

 

Kasabay nito, ipinanawagan na rin ni Solidum ang susunod na Nationwide Earthquake drill sa Nobyembre kung saan ang magiging senaryo ay Tsunami.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *