Pagpirma ni PBBM sa MIF Act, maituturing na landmark Legislation ng 19th Congress – HRep
Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang magagawa ng pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund para tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya ng COVID 19.
Pinasalamatan ni Speaker Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatibay ng MIF na magsisilbi aniyang behikulo para pondohan ang infrastructure projects ng pamahalaan na hindi na nangangailangan ng karagdagang pagbubuwis sa publiko at pag-utang sa International financial institutions.
“ It is envisioned to enable the government to execute and sustain high-impact and long-term economic development programs and projects without imposing new or higher taxes” pahayag ni Romualdez.
Dagdag pa ni Romualdez, isa siya sa principal author ng Maharlika Investment Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa paniniwalang malaki ang maitutulong nito sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa epekto ng pandemya.
Niliwanag ni Romualdez na sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund Law ay mababawasan na ang paggamit ng pondo ng pamahalaan mula sa national budget dahil ang mga infrastructure project ng gobyerno ay popondohan na ng local at foreign investors.
“ The MIF is expected to widen the fiscal space in the near- to medium-term as it reduces heavy reliance on local funds and development assistance as the main financing mechanisms for infrastructure projects “ ani Romualdez.
Inihayag pa ng opisyal na kabilang sa mga foreign financial institution na handang mag-invest sa MIF ay ang Japan Bank of International Cooperation at US Companies.
“ Certainly, there will be more interest once the MIF is officially launched. These investments mean more development projects in various parts of the country, more jobs and livelihood for the Filipinos, and a better future for generations to come “ ani ng House Speaker.
Vic Somintac