Pagreview sa “Buhay Carinderia” project ng Tourism promotions board, ipinauubaya na sa COA

Ipinatigil na ni bagong Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang buhay Karinderia project ng Tourism promotions board o TPB.

Sinabi ni Puyat sa panayam ng Agila Balita, bukod sa hindi dumaan sa bidding, hihintayin nya ang report ng Commission on Audit o COA hinggil dito.

Ipauubaya nya rin sa COA ang pasya kung ipasasauli sa TPB kung ipasasauli ang 80 million pesos na pondo para sa proyekto.

Nagkausap na rin aniya sila ni Cesar Montano ng TBP at inamin nitong nagbibigay lamang sila ng sponsorship at hindi nagsasagawa ng bidding.

Gayunman, sinabi ni Puyat na sumulat na sila sa COA para magsagawa ng review at Pre -audit sa Buhay karinderia project.

Naniniwala umano siya sa magandang intensyon si Cesar Montano pero nakasaad aniya sa batas na lahat ng papasuking kontrata ng gobyerno at dapat idaan sa bidding.

“I don’t want to proceed muna sa Buhay Carinderia kasi it seems na parang may irregularities. I think the best agency na magsasabi sa kin kung may irregularities or not ay ang COA at hinihingi ko na sila na ang mag-review. and I will wait for their updates. So habang wala pang sinasabi ang COA , hindi muna natin ipagpapatuloy yung programa”.  

Samantala, inamin naman ng kalihim na hindi kasama si Montano sa mga pinagsusumite niya ng courtesy resignation.

Batay kasi aniya sa Tourism Congress of the Philippines, maari naman itong mapalitan sa Hunyo.

Sa ngayon, bukod sa karinderia project, ipinabubusisi niya na ang lahat ng kontrata at mga proyektong pinasok ng lahat ng Undersecretaries at Assistant Secretary ng DOT.

“Hindi na naman kailangan ni Cesar na magbigay ng courtesy resignation dahil he is under a hold-over capacity.  Sa batas kasi, this June, ang Tourism Congress of the Philippines ay magno-nominate na ng kanilang representative. So walang personalan, whether or not nangyar itong Buhay carinderia o hinde, magkakaroon talaga ng change of leadership kasi nasa batas”.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *