Pagsalang sa oral arguments ng kanilang Habeas Corpus petitions, hiniling ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte

0
KITTY DUTERTE WITH FPRRD

Photy courtesy of Phil. News Agency (Presidential file photo)

Hiniling ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema, na isalang sa oral arguments ang kanilang Habeas Corpus petitions para sa kaniyang ama.

Sa 14 na mosyon na inihain ni Veronica “Kitty” Duterte, iginiit niya ang kahalagahan ng oral arguments para matalakay ang mahahalagang isyu patungkol sa kaso.

Kabilang rito ang ilang constitutional issues kaugnay ng pagdala ng respondents sa dating pangulo sa The Hague, jurisdictional limits ng Writ of Habeas Corpus at enforceability nito lalo at wala na sa Pilipinas ang dating pangulo na siyang subject ng petition.

Mahalaga rin umanong malinawa ang conflicting legal arguments at opinyon ng publiko sa isyu.

Ang desisyon ng Korte Suprema ay magsisilbi umanong precedent at landmark decision lalo at high profile case ito.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *