Pagsamsam sa illegally acquired assets ng POGOs at pagkansela sa pekeng birth certificate ng mga dayuhang POGO workers, sisimulan na ng OSG

Net25.com

Uumpisahan na ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pagkumpiska sa mga ari-arian na iligal na nakuha ng POGOs sa bansa, at pagkansela sa mga pekeng birth certificate ng mga dayuhang empleyado ng POGOs.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, wala pang hawak na numero ang OSG kung gaano ang halaga ng mga asset gaya ng real estate properties ng POGOs.

Photo courtesy of Office of the Solicitor General

Sa ngayon aniya ang unang gagawin ng OSG ay samsamin o i-forfeit ang mga nasabing ari-arian.

Una nang isinumite ng Kamara sa OSG ang mga dokumento ukol sa mga property at mga lupang nakuha ng Chinese nationals at inatasan na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa imbestigasyon at legal na aksyon.

Ayon kay Guevarra, “The OSG’s massive post-POGO tasks will consist of cancelling all certificates of birth fraudulently acquired by aliens/foreign nationals and forfeiting their illegally acquired real properties and other assets in the Philippines.”

Dagdag pa niya, “At this time we have no definite figures on the aggregate value of these assets. The first order of the day is to take possession of and control over them.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *