Pagsasaayos sa water system ng Ormoc posibleng abutin pa ng ilang buwan

Problema pa rin ang maruming tubig at kawalan ng supply ng kuryente sa Ormoc City.

Sa panayam ng programang Feedback sinabi ni Ormoc Mayor Richard Gomez, malaking pinsala ang iniwan ng lindol dahil bukod sa mga paaralan at mga gusaling ay apektado rin ang kanilang supply ng kuryente at tubig.

Ayon kay Gomez, maputik ang tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo kaya patuloy pang sinusuri at inaayos ang water system sa kanilang lungsod na labis na naapektuhan matapos ang pananalasa ng magnitude 6.5 na lindol noong Huwebes .

Dagdag pa ni Gomez , posibleng ilang buwan pa bago maibalik sa normal ang suplay ng tubig doon dahil sa matinding pinsala ang tinamo ng water system dahil sa kalumaan.

“Malaki talaga ang pinsala dito, at aside from that wala paring kuryente dito sa ormoc at pahirapan ang tubig. Dahil ang tubig namin reliant kami sa kuryente at ang service water na ginagamit namin because of the earthquake ang tubig namin maputi kaya nahihirapan ang water system namin na ayusin ito”. – Ormoc City Mayor Richard Gomez

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *