Pagsasagawa ng in-court proceedings ng appellate collegiate courts sa NCR, pinalawig hanggang November 5
Maaari pa ring magdaos ng in-court proceedings ang mga appellate collegiate courts sa Metro Manila hanggang sa November 5.
Sa administrative circular na inilabas ni Acting Chief Justice Estela Perlas- Bernabe, sinabi na mula November 3 hanggang 5 ay pinapayagan ang in-court proceedings sa mga NCR appellate collegiate courts para sa mga urgent matters at iba pa na kaso na dideterminahin ng mga presiding justices.
Una nang pinahintulutan ng SC ang in-court proceedings mula October 20 hanggang 29 nang ilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila.
Gayunman, limitado pa rin ang mga dadalo sa mga abogado, partido, at testigo na obligado na humarap sa pagdinig.
Mananatili pa rin sa 30% ang skeleton workforce sa mga nasabing korte para matugunan ang mga urgent matters at concerns.
Ang period ng filing at service ng mga pleadings at mosyon ay magpapatuloy pitong calendar days mula October 20.
Moira Encina