Pagsibak kay Deputy Ombudsman Carandang, tinawag na harassment ng isang Senador

Tinawag na harrasment ni Senador Antonio Trillanes ang ginawang pagsibak ni Pangulong Duterte kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.

Kinondena ng Senador ang pagtatanggal kay Carandang at iginiit na katunayan ito na hindi kayang harapin ng Pangulo ang mga alegasyon hinggil sa kaniyang umano’y ill-gotten wealth.

Iginiit ni Trillanes na iligal at unconstitutional ang ginawang pagtatanggal kay carandang dahil ang ombudsman ay isang constitutional body.

Si Carandang ang naglabas ng impormasyon at nagsagawa ng imbestigasyon sa mga sinasabing bank deposits ng Pangulo.

Senador Trillanes:
“I strongly condemn Duterte’s dismissal of ODO Carandang. Not only is this illegal and unconstitutional since the Office of Ombudsman is an autonomous constitutional body, it is also highly unethical to fire the very same person investigating him. Up to now, Duterte cannot face this serious allegation about his hidden wealth amounting to billions of pesos of deposits; so, he is resorting to cover-up and harassment tactics”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *