Pagsibak sa bus driver na sangkot sa mga aksidente sa daan, pinagtibay ng Korte Suprema

Kinatigan ng Korte Suprema ang pagsibak sa isang driver ng bus dahil sa pagkakasangkot sa mga aksidente sa daan.

Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, sinabi na balido ang pagtanggal sa driver na si Marcelino Lingganay ng employer nito na Del Monte Land Transport Bus Company, Inc. (DLTBCo.) dahil sa gross and habitual neglect of duty bunsod ng pagkakadawit sa iba’t ibang aksidente noong 2013, 2016, at 2017

Sinibak ng bus company si Lingganay bunsod ng paglabag sa mga patakaran ng kumpanya laban sa reckless driving at gross negligence.

Nabatid ng Supreme Court na paulit-ulit na naging pabaya si Lingganay bilang driver ng pampasaherong bus, na nagresulta para malagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero at pedestrian at malantad sa mga pananagutan ang kumpanya.

Binanggit ng SC ang Article 297(b) ng Labor Code, kung saan nakasaad na maaaring alisin ng employers ang mga empleyado nito dahil sa paulit-ulit na kapabayaan, gaya ng kawalan ng pag-iingat at inefficiency sa trabaho.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *