Pagsirit ng presyo ng mga produktong Petrolyo nakababahala na – Senado
Bukas ang ilang Senador na sa mga panukalang suspindihin muna ang Excise Tax sa presyo ng mga produktong petrolyo
Yan ay para magsilbing lifeboat o agarang solusyon sa mamamayan ngayong patuloy ang pagsirit ng presyo ng Diesel at Gasolina
Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel, nakakabahala ang lingguhang oil price hike
Ayon kay Pimentel hindi lang mga pampublikong sasakyan at mga pashero ang apektado dahil anumang pagtaas sa gasolina ay maaring makaapekto sa presyo ng mga bilihin
Maaaring maapektuhan rin ang ekonomiya kapag muling sumirit ang inflation
Sa ngayon umaabot na sa 11 pesos at 85 cents ang itinaas sa kada litro ng gasolina sa nakalipas lamang na sampung linggo
“The suspension of the Excise Tax could offer a temporary despite and serve as an effective lifeboat for Filipinos struggling to cope with the sky-high fuel prices,” pahayag ni Senador Pimentel
Meanne Corvera