Pagsuspinde ng Comelec sa proceedings sa People’s Initiative tanggap ng Kamara
Welcome sa Liderato ng Kamara ang desisyon ng Commission on Elections o Comelec na ipagpaliban muna ang lahat ng proceedings na may kinalaman sa validation ng mga pirma kaugnay ng pagsusulong ng pag- amyenda sa konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative.
Sa ipinatawag na press conference ng House leadership sinabi ni House Majority Leader Manix Dalipe na igagalang ng Kamara ang desisyon ng Comelec.
Niliwanag ni Dalipe na patuloy na susuportahan ng Kamara ang hakbang na amyendahan ang economic provisions ng saligang batas.
Ngayong araw ay nagdesisyon ang Comelec en banc na suspindehin ang lahat ng proceedings na may kinalaman sa People’s Initiative para repasuhin ang policies ng poll body na may kinalaman sa People’s Initiative.
Magugunitang dahil sa isyu ng Charter change o Chacha sa pamamagitan ng People’s Initiative ay nagkakaroon ngayon ng banggaan sa pagitan ng Senado at mababang kapulungan ng Kongreso.
Vic Somintac