Pagsuspinde kay overall Ombudsman Carandang, impeachable offense – Sen. Trillanes

Maaari umanong masampahan ng impeachment complaint si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawa nitong pagsuspinde kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, impeachable offense ang ginawan ng Pangulo dahil nilabag nito ang Section 5, Article 11 ng Konstitusyon.

Nakasaad dito na dapat independent ang Ombudsman bilang isang constitutional body, malinaw na hindi ito pwedeng panghimasukan at may desisyon na noon ang Korte Suprema hinggil dito.

Sabi ni Trillanes, isa na naman itong paraan ng pambubully ng Pangulo laban sa mga institusyon na hindi tumatalima sa kaniyang mga agenda.

Sen. Trillanes:
“Clearly, this is another Duterte tactic that’s meant to bully democratic institutions into submission so he could go on with his dictatorial and corrupt ways”.

Nauna nang inanunsyo ng Malakanyang ang pagsuspinde kay Carandang dahil sa hindi otorisado sa paglalabas ng umano’y detalye ng bank accounts ng Pangulo at ng kaniyang pamilya.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *