Pagsusulong ng Chacha, ipinatitigil ng oposisyon, BBL maaaring gamiting sistema ng gobyerno para mapaulad ang mahihirap na rehiyon sa bansa

Hindi na umano kailangang amyendahan pa ang buong Saligang Batas para lamang makamit ang pag unlad sa bawat rehiyon.

Ito ang iginiit ni Senate minority leader Franklin Drilon sa harap ng pagpupursige ng Malacañang na maisulong at mapagtibay ang Federal Constitution para baguhin ang kasalukuyang sistema ng gobyerno.

Sinabi ni Drilon na hindi na kailangan ang Federal system para bigyan ng dagdag na resources at kapangyarihan ang bawat Local government units.

Inihimbawa ni Drilon ang binabalangkad ngayon na Bangsamoro Basic law para lumikha ng Bangsamoro government na magbibigay ng mandato at mas malakas na kapangyarihan sa mga lider ng Mindanao para paunlarin ang kanilang rehiyon.

Ito aniya ang katunayan na kayang gawin sa kasalukuyang administrasyon at umiiral na konstitusyon ang pagdevelop na target ng Federalismo.

Nanindigan si Drilon na hindi dapat isulong ang charter change dahil ang pakay lamang nito at no election at palawigin ang termino ng mga kasalukuyang opisyal ng gobyerno.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *