Pagsusuot ng body camera sa mga police operations isinulong sa Senado
Isinusulong ni Senador Grace Poe na magsuot ng body camera ang lahat ng pulis na kasama sa mga operasyon ng Philippine National Police.
Kasunod ito ng ginagawang imbestigasyon ng Senado sa pagkamatay ni Kian delos Santos dahil lumilitaw na sinadya at malapitan ang ginawang pagpatay matapos umanong manlaban sa mga otoridad.
Pero ayon kay Poe, sa pamamagitan ng body camera mapapatunayan kung nanlaban o hindi ang isang inaarestong suspek.
Dapat aniyang gawing patakaran ang pagsusuot ng body camera sa mga pulis upang makakalap ng matibay na ebidensiya ang mga nagsasagawa ng imbestigasyon o nagrerebyu ng kaso, gayundin sa kaukulang pagkilos ng pulisya kapag may pagtanggi sa pag-aresto.
Ulat ni: Mean Corvera