Pagsusuot ng mask nais ipatupad ng Madrid sa mga ospital kaugnay ng paglaganap ng mga virus
Ipinanawagan ng gobyerno ng Spain na gawing ‘obligatory’ ang pagsusuot ng mask sa medical facilities dahil sa pagtaas ng mga kaso ng flu at Covid-19, ngayong nagsimula na ang winter.
Sinabi ni Health Minister Monica Garcia, “With the increase in respiratory infections, ‘we are calling’ for the return of obligatory mask-wearing in hospitals and health centres.”
Sinabi niya na babanggitin niya ito sa Lunes sa isang pulong kasama ng regional representatives na nangangasiwa sa health issues.
Ang pagpupulong ay magbibigay-daan para “magkaroon ng isang coordinated public health action” sa harap ng epidemic spikes.
Inanunsiyo ng eastern region ng Valencia at Catalonia, na kailangang magsuot ng mask ang mga pasyente at health professionals sa mga medical facility sa lugar.
Ang hakbang ay kasunod nang babala ng mga doktor tungkol sa tumataas na kaso ng flu at Covid-19, maging ng iba pang respiratory ailments, partikular sa silangang bahagi ng bansa.
Noon lamang July 2023 inalis ng Spain ang pagpapatupad ng “obligatory mask wearing” sa mga high-risk facility gaya ng mga ospital, retirement homes at pharmacies.
Ang Spanish citizens ay malawakang sumunod sa obligasyon ng pagsusuot ng mask sa panahon ng Covid-19 pandemic, kung saan ang Spain na isa sa pinakagrabeng tinamaan ay nakitang nagpatupad ng ilan sa pinakamahihigpit na hakbang sa mundo upang labanan ang virus.