Pagtaas ng kaso ng Cholera sa bansa ibinabala
Muling nagbabala sa publiko ang Department of Health o DOH kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Cholera sa bansa.
Sa datos ng DOH, nitong buwan ng setyembre umakyat na sa 3,681 ang tinamaan ng Cholera sa Pilipinas.
Dumoble ang bilang nito kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang, tatlumput dalawa na ang nasawi rito.
Ang Cholera ay isang water-borne disease na nakukuha sa pag-inom at pagkaing kontaminado ng bakterya na nagdudulot ng diarrhea at dehydration na maaaring humantong sa pagkasawi kung hindi agad magagamot.
Please follow and like us: