Pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa TRAIN law, mararamdaman na sa Pebrero
Simula sa Pebrero, asahan na ang dagdag na singil sa kuryente.
Ayon sa Energy Regulatory Commission O ERC, dulot ito ng karagdaGang buwis
na ipinataw sa mga coal plants kasabay ng implementasyon ng Tax Reform
for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Ayon kay Atty. Florescinda Digal, tagapagsalita ng ERC, minimal lang
naman ang magiging pagtaas sa singil.
Katunayan, one centavo per kilowatt hour ang magiging pagtaas sa
generation charge bukod pa sa anim na sentimos kada kilowatt hour sa
transmission charge.
Pero depende pa ito sa halaga ng suplay ng kuryente na kinukuha
ng mga distribution utilities sa kanilang supplier.
Ulat ni Meanne Corvera