Pagtaas ng sweldo, pangunahing inaalala ng mga Pinoy- Pulse Asia

Lumilitaw sa isang survey na ang pangunahing inaalala ng mga Pilipino ay ang pagtaas ng sweldo, pag-kontrol sa presyo ng mga bilihin at paglikha ng marami pang trabaho.

Batay ito  sa pinakahuling Pulse Asia survey na isinagawa noong March 15 hanggang 20 na mula sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondents.

Apatnapu’t tatlong porsiyento ng mga tinanong ang nagsabing ang mataas na sweldo pa rin ang pangunahin nilang inaalala.

Apatnapu’t isang porsyento naman ang nagsabing inaalala nila ang presyo ng mga bilihin at 39 percent sa paglikha ng mga trabaho.

Pasok din sa mga inaalala ng mga Pinoy ang pagsugpo sa katiwalian, 31 percent sa  kriminalidad, 28 percent sa  kahirapan  at 27 percent ay para sa kapayapaan ng bansa.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *