Pagtaas sa singil sa kuryente dahil sa TRAIN law, posibleng umabot ng hanggang 16 piso
Posibleng umabot ng 13 hanggang 16 piso ang magiging pagtaas sa singil sa kuryente simula sa Pebrero.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabi ni Atty. Florescinda Digal, tagapagsalita ng ERC na ang naturang pagtaas ay para sa mga ordinary household lamang na kumukunsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
Dulot aniya ito ng karagdagang buwis na ipinataw sa mga coal plants kasabay ng implementasyon ng tax reform for acceleration and inclusion o TRAIN.
Sa computation ng ERC , one centavo per kilowatt hour ang magiging pagtaas sa generation charge at anim na sentimos kada kilowatt hour sa transmission charge.
Sa ngayon wala pa raw namonitor ang ERC na kumpanyang nagtaas ng singil mula noong Disyembre.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===