Pagtakda ng hearing ng Makati City RTC sa kanilang mosyon, ikinatuwa ng DOJ
Ikinatuwa ng DOJ ang pag-aksyon ng Makati City RTC sa kanilang mosyon na magpalabas ng alias warrant of arrest at hold departure order laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, magandang senyales ito na patuloy na tinatanggap ng korte na may hurisdiksyon ito sa kaso laban sa senador.
Welcome din para kay acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon ang pagtatakda ng pagdinig ng korte sa kanilang mosyon.
Sinabi ni Fadullon na kinikilala ng Makati City RTC na may hurisdiksyon pa rin ito sa kaso sa kabila na una na itong ibinasura.
Paliwanag pa ni Fadullon, kung ang iginawad na amnestiya kina Trillanes ang dahilan ng pag-dismiss sa kaso, pwede pa itong kwestiyunin dahil ang Proclamation Number 572 ni Pangulong Duterte ay idinideklarang walang bisa o saysay buhat sa simula ang amnesty kay Trillanes.
Ulat ni Moira Encina