Pagtatag ng Heat Health Warning System iminungkahi ng Kamara sa LGUs
Napapanahon ang pagtatatag sa bansa ng Heat Health Warning System.
Sinabi ni House Committee on Welfare of Children chairperson Congresswoman Angelica Natasha Co, makakatulong ito sa pagpapasya ng mga school principals at local government units (LGUs) sa pagsususpinde ng klase dahil sa matinding init ng panahon.
Pinunani Co ang mga LGUS dahil walang hot weather monitoring equipment namaaring pagbatayan ng mga school principals, school superintendents, barangay chairman, mga alkalde at gobernador sa pagsu-suspinde ng klase sa kanilang nasasakupan.
Noong 2015, naglabas ang World Meteorological Organization ng guidance para sa pagpapatupad ng Heat Health Warning System Development ng iba’t-ibang bansa.
Sa naturang Heat Health Warning System ibinatay ng South Africa, Taiwan, Singapore, South Korea at maraming European countries ang kanilang action plans.
Niliwanag ni Co na maaaring gamitin ng mga LGUs ang kanilang calamity funds para bumili ng heat index monitoring technology equipment.
Vic Somintac