Pagtatag ng Shari’ah Supervisory Board sa BARMM, inaprubahan ng BSP at ng iba pang gov’t agencies
Pinagtibay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ilan pang ahensya ng pamahalaan ang pagtatatag ng Shari’ah Supervisory Board (SSB) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kasama sa lumagda sa joint circular at memorandum of agreement ang Department of Finance, National Commission on Muslim Filipinos, at ang Bangsamoro Government.
Ayon sa BSP, isa itong milestone sa whole-of-government approach sa pagsusulong ng Islamic banking at finance sa bansa.
Ang pangunahing gampanin ng SSB ay maglabas ng Shari’ah opinions sa Islamic banking transactions at products sa BARMM.
Maaari rin na hingan ng BSP at ng iba pang institusyon ang SSB ng Shari’ah opinions sa mga isyu ukol sa Islamic banking and finance.
Sa pamamagitan din ng SSB ay magkakaroon ng mahalagang Shari’ah compliance oversight para umusbong sa bansa ang Islamic finance.
Moira Encina