Pagtatanggal ng Administrative work ng mga Public teacher , Inaprubahan
Inaprubahan na ni Vice president at Education Secretary Sara Duterte ang pagtatanggal ng administrative work ng mga pampublikong guro.
Inianunsyo niya ito kasabay ng paglalahad ng kaniyang 2024 Basic Education Report sa harap ng Pangulo at foreign dignitaries sa Sofitel sa Pasay city.
Sinabi ni Duterte, makakapag focus na ngayon ang mga guro sa pagtuturo ng mga aralin ng mga kabataan at maitaas ang antas ng edukasyon.
Sa ilalim ng kautusan, tatanggalin na sa trabaho ng mga guro ang mga walang kaugnayan sa pagtuturo gaya ng pag- iimprenta ng learning resources, at implementasyon ng mga programa ng gobyerno tulad ng bakunahan, deworming, census, feeding program at mga katulad nito.
Inisa isa naman ni Duterte ang tamang kompensasyon at mga benepisyo na ibibigay sa mga guro tulad ng Overtime pay, Special hardship allowance at Health insurance package kasama na ang calamity funds.
Katunayan, nakipag-usap na sila sa World bank para pag- aralan kung magkano nga ba ang suweldo na dapat matanggap ng guro.
Naniniwala ang pangalawang Pangulo na kung may sapat na kompensasyon na kayang i angat ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan.
Inilatag rin nito ang mga programa para sa pagpapa-angat ng Edukasyon tulad ng pagbibigay ng access sa libreng internet sa lahat ng pampublikong eskwelahan.
Pinuri naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang komprehensibong report ng DepEd pero sinabi ng Pangulo dapat pang tutukan ang pagbabasa at Mathematics.
Inatasan naman ng Pangulo ang mga ahensiya ng gobyerno na paspasan ang konstruksyon ng mga pasilidad at imprastraktura na makakatulong para sa pangangailangan ng learners.
Meanne Corvera