Pagtatanggal ng pondo ng NTF-ELCAC, magpapaantala sa Anti-Insurgency program ng Gobyerno
Tutol si Senador Christopher Bong Go sa panukalang tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Magdudulot kasi aniya ito ng pagkaantala sa anti-insurgency campaign ng pamahalaan na halos nasa 50 percent na.
Ayon kay Go, malaki ang nagawa ng mga programa ng NTF-ELCAC sa anti-insurgency campaign ng pamahalaan katunayang humina ang puwersa ng mga Komunista at mas maraming sumuko sa Gobyerno.
Ang pondo ng NTF-ELCAC ay hindi naman aniya nakalaan para makipagpatayan at maglunsad ng operasyon sa mga rebelde sa halip ay para hikayatin ang mga Barangay na huwag nang makipag-alyansa sa mga rebelde at magtatag ng mga programang pangkabuhayan.
Meanne Corvera