Pagtatapos ng Marburg virus outbreak, idineklara na ng Ghana – WHO

Original Title: 68-336-Marburg-smaller

PHOTOS BY: cdc.gov

Inihayag ng World Health Organization (WHO), na idineklara na ng Ghana ang pagtatapos ng Marburg virus disease outbreak na nakumpirma halos dalawang buwan na ang nakalilipas at ikinamatay na ng dalawa katao.

Ayon sa pahayag ng WHO, ginawa ng health ministry ang anunsiyo ng wala nang maitalang mga bagong kaso ng Ebola-like disease sa nagdaang 42 araw.

Walang bakuna para sa Marburg, na halos kasing bagsik at nakamamatay ding gaya ng Ebola. Ang mga sintomas nito ay mataas na lagnat, internal at external bleeding.

Sinabi ng WHO, “In total three confirmed cases, including two deaths, were recorded in the outbreak declared on 7 July 2022 after laboratory confirmation of the virus.”

Ang mga kaso sa Ghana ang unang na-detect sa West Africa.

Nagkaroon na rin ng mga naunang outbreaks at sporadic cases sa iba pang bahagi ng Africa — sa Angola, DR Congo, Guinea, Kenya, South Africa at Uganda.

Ayon kayWHO Regional Director for Africa Dr. Matshidiso Moeti, “Any outbreak of Marburg is a major concern. Despite having no previous experience with the disease, Ghana’s response has been rapid and robust.”

Pahayag pa ng WHO, nakikipagtulungan sila sa health authorities ng Ghana upang mapanatili ang surveillance, mapahusay ang pag-detect sa virus at mas makapaghanda para sa posibleng muling paglitaw nito.

Ayon pa sa WHO, ang rate ng pagkamatay sa mga kumpirmadong kaso ay mula 24 – 88 porsiyento sa mga nakaraang outbreaks, depende sa strain ng virus at case management.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: