Pagtatayo ng permanent disaster mitigation agency isinusulong sa Senado

Hinimok ni Senador Grace Poe ang gobyerno na bumuo ng permanent disaster mitigation agency.

Sa harap ito ng sunod-sunod na malalakas na lindol at iba pang kalamidad na tumama sa Pilipinas na ang pinakahuli ay ang 6.5 magnitude sa Ormoc.

Ayon kay Poe, matindi na ang epekto ng climate change o epekto ng extreme weather condition na tumatama sa bansa pero walang direktang ahensya na nananagot.

Nais ni Poe na magtayo ng hiwalay na disaster resilience and emergency management agency na papalit sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.

Ito’y para makatiyak na matutugunan ang mga hamon sa epekto ng mga sakuna at kalamidad.

Sa kasalukuyang sistema, ang NDRRMC ay maituturing na ad hoc agency na nag-ooperate pero kulang ang personnel at technical expertise para tugunan ang pangangailangan tuwing may nagaganap na disaster.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *