Pagtatayo ng weather stations ng China sa West Philippine Sea, alam ng gobyerno


May approval umano ng gobyerno ang ginawang pagtatayo ng China ng
tatlong weather stations sa Kagitingan, Subi at Panganiban reef sa
West Philippine Sea.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, natalakay ang isyu sa ipinatawag
na dayalogo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong October 29.

Sa meeting, sinabi ng Pangulo na may koordinasyon na sa gobyerno ang
hakbang ng China at unti-unti nang nare-realize ng China na ang isla
ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Katunayan, kung may gagawin aniyang exploratory expedition sa isla,
kailangan itong may concurence ng gobyerno ng Pilipinas.

Bagamat tumanggi nang magbigay ng iba pang detalye, sinabi ni Sotto na
maganda ang magiging pakinabang ng Pilipinas at anumang kontrata ay
magkakaroon ng 60 percent shares ang bansa.

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *