Pagtitipid at pagrerecycle ng tubig, malaki ang maitutulong sa nararanasang tagtuyot
Nagpapatuloy ang monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa isinasagawang Cloud seeding sa mga Regions 2, 11 at 12 na lubhang apektado ng tagtuyot.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Ed Posadas, bukod sa monitoring naka-antabay sila sa mga kinakailangang ayuda sa mga ahensya sa pangunguna ng Department of Agriculture.
Sa pinanakahuling tala ng NDRRMC as of March 18, umaabot na sa 1.33 bilyong pisong halaga ang mga napinsala sa agrikultura ng bansa na nakaapaketo na ito sa mahigit 84,000 mga magsasaka.
Katumbas ito sa mahigit 72,000 ektaryang pananim na napinsala sa halos lahat ng rehiyon sa bansa kabilang ang CAR o Region 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 8, 9, 10, 11, 12 at BARMM.
Tinitingnan din aniya nila ang posibilidad ng pagsasagawa ng cloud seeding sa NCR.
Dahil dito, nanawagan si Posadas sa mga mamamayan na matutong magrecycle o magtipid ng tubig dahil sa ganitong maliliit na paraan ay malaki naman ang maitutulong sa kinakaharap na sitwasyon ng bansa sa kasalukuyan.
“Marami na ring affected areas sa NCR gaya sa Mandaluyong at Pasig city as of March 15. Anything is possible, lahat naman gaya ng ipinag-uutos ni Pangulong Duterte na dapat nabantay at nakamonitor lahat lalu na s amga kinauukulang ahensya ng gobyerno para maibsan ang pasakit ng tagtuyot na ito na nararanasan”. – Dir. Ed Posadas, NDRRMC