Pagtitipon-tipon ng mga lalaking may pangalang Hirokazu Tanaka, bumasag ng isang world record
Nagtipon-tipon sa Tokyo, Japan noong Sabado, ang 178 mga lalaki na lahat ay may pangalang Hirokazu Tanaka.
Ang mga Hirokazu Tanakas mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay nagsama-sama para sa pagtatangka ng rekord, kabilang ang isang 3-taong-gulang na paslit, isang 80-taong-gulang, at may lumipad pa patungong Japan galing sa Hanoi, Vietnam.
Binasag ng grupo ang Guinness World Record para sa “largest gathering of people with the same first and last name,” na unang naitala ng grupo ng 164 na mga babae na may pangalang Martha Stewart noong 2005 sa New York.
Para sa 53-anyos na si Hirokazu Tanaka, na siyang nasa likod ng pagtitipon-tipon ng mga kapangalan niya, makalipas ang ilang taong pagsisikap at dalawang nabigong unang pagtatangka, ito ay isang pangarap na natupad.
Ang tipunin ang kaniyang mga kapangalan ay naisip ni Tanaka noong 1994, nang makita niya sa balita ang isang mahusay na baseball player na Hirokazu Tanaka rin ang pangalan.
Iyon ang naging simula ng paghahanap niya sa kaniyang mga kapangalan sa Japan, at sa pagtatatag niya ng “Hirokazu Tanaka Campaign.”
Nabigo ang huli sa unang dalawa niyang pagtatangka na talunin ang record ng grupo ng mga babaeng may pangalang Martha Srewart noong 2017, dahil 87 Hirokazu Tanaka lamang ang sumipot.
Para naman magkaroon ng pagkakakilanlan, bawat isa sa 178 Hirokazu Tanaka ay binigyan ng alias na inspired ng kanilang hobbies, trabaho, o paboritong pagkain, kung saan ilan dito ay “Sunglasses,” “Chewing Gum,” “Triathlon,” at “Hot-Pot.”
Ang founder naman ng Hirokazu Tanaka Campaign ay may alias na “Semi-Leader.”
© Agence France-Presse