Pahayag ng PAOCC, kinondena ng Pasay City LGU

0
Pahayag ng PAOCC, kinondena ng Pasay City LGU

Courtesy: Pasay City PIO

Mariing kinondena ng Pasay City local government unit (LGU), ang pahayag ni Winston Casio, tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC, tungkol sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa Pasay LGU, ang mga pahayag na ito ay hindi patas at nakasisira ng reputasyon ng mga opisyal ng lungsod.

Kaugnay nito ay naglabas ng pahayag si Mayor Emi Calixto Rubiano, kung saan nakasaad na 100% siyang nasa likod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na wakasan na ang ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Binigyang-diin ni Rubiano, na hindi pinahihintulutan ang mga aktibidad na labag sa batas sa loob ng kaniyang nasasakupan.

Ang Pasay LGU ay patuloy din aniyang nagpapatupad ng mahigipit na mga hakbang upang hadlangan ang mga operasyon ng POGO sa lungsod, kasama rito ang pinalakas na pagsubaybay, mahigpit na pagpapatupad ng regulasyon at pakikipagtulungan sa mga pambansang ahensiya na nagpapatupad ng batas.

Giit ng alkalde, hindi mag0aalngan ang LGU na gumawa ng mahigpit na pagkilos laban sa mga nagpapabagabag sa mga pagsisikap na lumikha ng isang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga Pasayenyos.

Paliwanag ng LGU, ang Pasay City ay naglabas ng business permit sa 13-libong mga establisimyento sa taon ito na lahat ay sumailalim sa masusing pagsusuri.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *