Paid leave sa mga manggagawang nagpositibo sa COVID-19, isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Senador Leila De lima ang panukalang batas na mabigyan ng paid leave of absence ang mga manggagawa sa pribadong sektor na naapektuhan ng COVID- 19 pandemic.

Sa Senate bill no 2307, nais ni De lima na magkaroon ng limang araw na paid leave ang mga manggagawang nagpositibo o magpopositibo sa virus anuman ang kaniyang employment status.

Ang paid leave ay dapat available lalo na sa mga lugar na may idineklarang State of Calamity ang pangulo o lokal na opisyal batay sa Section 16 ng Republic Act No. 10121 o “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.”

Sinabi ng Senador na masyado ring delikado ang sitwasyon ng mga manggagawa.

Giit ng Senador kulang na kulang ang safetynets para sa mga manggagawa at marami sa kanila napipilitang suungin ang panganib ng pandemya para may maipakain at suportahan ang pamilya.

Noong Mayo may hiwalay na ring panukala si De lima para sa 10 day paid COVID- 19 leave para sa mga manggagawang nahawa sa virus sa mga pinagtatrabahuhan lalo na ang mga walang access sa telecommuting program o work from home.

Meanne Corvera

Please follow and like us: