Pakistan nakaranas ng nationwide power outage
Naapektuhan ng isang massive power breakdown ang higit sa 220 milyong katao sa Pakistan, kabilang ang nasa malalaking siyudad ng Karachi at Lahore.
Ang local outages ay karaniwan sa buong Pakistan, at ang national power system ay isang masalimuot at maselang web kung saan ang mga problema ay maaaring mabilis na kumalat.
Ang power outage na tumagal ng ilang oras, na pangalawa na sa loob ng dalawang taon, ay bunsod ng isang fault sa national grid.
Sa tweet ng ministry of energy, “According to initial reports, the system frequency dropped at the national grid in the morning which led to a massive breakdown.”
Nagsasagawa na ng mga pagsasa-ayos, kung saan naibalik na ang limited power sa mga lugar sa kapitolyo at sa northwestern city ng Peshawar.
Ang port city ng Karachi, na may populasyon na higit 15 milyon, at Lahore, na may populasyon na higit 10 milyon, ay wala pa ring kuryente.
Sinabi ng isang 25-anyos na guro na si Vareesha Nadeem, “We hardly managed to come to school as there was no electricity at home. Here in classes we are using battery-powered lights but they’ll run out soon. Power outages have just become a part of our lives as they happen so often.”
Nangangamba naman ang isang shop owner na maaaring mabulok ang lahat ng kaniyang dairy stock dahil hindi gumagana ang refrigirator, habang sinabi naman ng 39-anyos na printer na si Khurrum Khan, na natambakan na siya ng orders dahil sa blackout.
Reklamo ni Khan, “Unreliable power is a permanent curse which our governments have failed to overcome.”
Nangyari na rin ang katulad na breakdown noong Enero 2021, nang ang buong bansa ay mabalot ng dilim matapos magkaproblema sa southern Pakistan, sanhi para mag-trip ang national transmission system.
Ang Pakistan ay matagal nang nakararanas ng energy shortages, bunsod ng mga kadahilanang gaya ng mahinang ekonomiya, mismanagement at kakulangan ng storage facilities.
Karamihan sa mga ospital ay gumagamit ng generators bilang back-up, habang ang mga paaralan ay gumagamit ng gas para pampainit sa kanilang mga silid-aralan.
Naapektuhan ng load shedding ngayong taglamig ang mga domestic household at industriya kabilang ang textile manufacturing, isa sa pinakamalaking industriya sa Pakistan, na may ilang planta na pansamantalang isinara.
© Agence France-Presse