Palpak na tourism rebranding campaign ng DOT, iimbestigahan ng Kamara

Pinaiimbestigahan ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Congressman Joey Salceda ang palpak na tourism campaign branding ng Department of Tourism ( DOT ) na “ Love the Philippines “.

Hiniling ni Salceda sa House Committee on Public Accounts na pamunuan ang pagsisiyasat para tukuyin ng DOT at ni Tourism Secretary Christina Frasco kung magkano ang nagugol para sa palpak na audio visual presentation ( AVP ) sa tourism rebranding campaign ng ahensya.

Photo: pna.gov.ph

Batay aniya sa 2023 National Budget, may nakalaang P250 million na pondo ang DOT para sa rebranding ng tourism campaign ng bansa.

Sa report, nasa P49 million ang kontrata ng DOT sa DDB Philippines – ang advertising agency na gumawa ng “ Love the Philippines “ promotional video na nabistong gumamit ng mga non-original/stock footages na hindi kuha sa Pilipinas.

Ginamit sa nasabing AVP ang footages mula sa Indonesia, Thailand, Dubai at Switzerland.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *