Pambato ng Pilipinas sa Ice Skating na si Michael Martinez, puspusan ang training sa New Jersey para sa Olympics
Puspusan ang ginagawa ngayong training ng Pinoy figure skater na si Michael Martinez para sa Olympics Qualifying Tournament na gagawin sa Sept 22-25 sa Germany at sa 2022 Winter Olympics sa Beijing sa Pebrero 22.
Sa interview ng Balitàlakayan, sinabi ni Martinez na ngayon ay nasa New Jersey siya kasama ang kanyang Russian Coach para makapagsanay at makapaghanda sa kompetisyon.
Umaasa rin siya na sa lalong madaling panahon ay makapunta rin siya sa Russia at makasama sa training ang legendary Russian skater na si Evgeni Plushenko.
Si Plushenko ay nagkamit ng Gold Medal sa 2006 Olympics.
Samantala, dahil na rin sa Pandemya, aminado si Martinez na mahirap màkakuha ng sponsorship kaya naman bumuo siya ng fund raising campaign at tinawag na GoFundMe para matustusan ang napakamahal nitong mga training.
Si Martinez ang kaunaunahang ice skater na nagmula sa Southeast Asia na napasama sa Olympics noong 2014 at 2018 Winter Olympics.
Julie Fernando