Pambihirang football pitch, nasa crater ng isang bulkan sa Mexico
Ang bunganga ng bulkan ay hindi normal na lugar para sa isang football match, pero alam nyo ba na sa labas ng Mexico City ay may football pitch na nasa crater ng isang bulkan?
Sinabi ng 32-anyos na player na si Adrian Garcia, isang graphic designer by profession, “It’s a unique pitch. It’s very nice to come here to distract yourself, to relax, with friends and family.”
Ang hindi na aktibong Teoca volcano ay nasa taas na humigit-kumulang dalawang libo at pitongdaang metro (humigit-kumulang walong libo at siyam na raang talampakan) above sea level sa distrito ng Xochimilco, na nasa dakong timog-silangan ng malawak na megacity.
Kapag weekends, ay nasa sampung amateur league teams ang naglalaro sa crater.
Ang lugar ay isang dating ceremonial center, ngunit makaraang hindi na gamitin ay ginawa nang football pitch.
Sinabi ng league representative na si Joel Becerril, na ang pitch ay maaaring nasa 70 taon na.
Aniya, “They used to carry me up here when I was a child.’
Sa madaling araw, natatakpan ng makapal na hamog ang football pitch, ngunit unti-unti itong lumiliwanag habang sumisikat ang araw.
May nag-iisang kalsada na patungo sa tuktok, ay mayroon ding isang labingwalong kilometro o labing-isang milyang hiking trail paitaas sa magubat na dalisdis ng bulkan.
Ayon sa 47-anyos na goal keeper na si Daniel Mancilla Pena, hindi kapani-paniwala at lubhang kahanga-hangang magpunta sa nasabing football pitch, na para sa kaniya ay isang napakagadang setting para maglaro ng football.
Ayon sa mga eksperto mula sa National Autonomous University of Mexico, mayroong higit sa 200 mga bulkan, karamihan sa mga ito ay hindi aktibo, sa timog ng Mexico City at sa hangganan ng kalapit na estado ng Morelos.
Ang Mexico ay nasa “most seismically and volcanically active zone” sa buong mundo, na kilala bilang Ring of Fire, kung saan nagtatagpo ang Pacific plate at mga nakapalibot na tectonic plate.
Ang isa sa mga aktibong bulkan sa Mexico, ang Popocatepetl, na matatagpuan 70 kilometro lamang mula sa kabisera, ay nagdulot ng balisa sa mga tao noong Mayo nang magbuga ito ng abo, gas at mga tunaw na bato.